top of page
Homepage (1).png

Walang sukat, Walang Kondisyon, at Sukdulan



Ngayong araw, ginugunita natin ang taunang Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon. Kilala rin ang araw na ito bilang Domingo de Ramos o unang araw ng pagsisimula ng Semana Santa kung saan si Hesus na anak ng Diyos ay nag-alay ng kanyang buhay bilang simbolo ng pagmamahal ng Diyos sa atin.


Nagsimula ang mga kaganapan sa pagbabasbas ng mga palaspas sa ika-4:30 ng umaga sa Kapilya ng San Antonio de Padua sa La Consolacion Village. Mula roon ay nagsimula ang prusisyon patungo sa mga kubol at pabalik sa simbahan. Ngayong taon humigit-kumulang 85 mga anghel mula sa Munting Kristo ang nakilahok upang umawit ng Osana. 


Pagkarating sa simbahan, sinimulan na ang banal na misa sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Reverendo Padre Fernando A. Cornejo. Sa kanyang homilya, kanyang ipinaalala na ang araw na ito ay hindi lang dahil sa mga palaspas at matingkad na pula ng mga mantel ng simbahan at kasuotan ng mga pari, kundi para tayo ay ‘magtika’ o magpasiyang ipahayag si Hesus ang pangunahing batayan ng ating buhay.


“Walang sukat, walang kondisyon, at sukdulan”


Ipinapaala sa atin na simula sa araw na ito kung gaano tayo kahalaga sa Diyos at kung gaano katapat ang Diyos sa atin. 


Sa unang pagbasa, ipinahayag ni Propeta Isaias ang pangitain na daranas ang Panginoon ng matinding sakit at paghihirap ngunit buong kababaang-loob niya ito tatanggapin dahil alam niya na tutulungan siya ng Diyos. Sa ikalawang pagbasa naman, tayo hinahamon na tularan ang Panginoon na magpakumbaba at maging masunurin hanggang kamatayan sapagkat ito ang paraan upang matanggap ang kaluwalhatian ng ama. Sa paglahad naman ni San Lukas sa Pasyon ng Panginoon, narinig natin ang pag-aalay ni Hesus ng kanyang sarili nang buong-buo para sa lahat bagaman ang kapalit nito ay pasakit na kanyang tinamo.


Sa pagtatapos ng homilya, ipinapaalala ni Fr. Fhyrdz na matuto nawa tayong sumunod sa kalooban ng ating ama kahit walang kapalit. At buong puso nating sundin ang kanyang kagustuhan kung alam nating ito ay tama at nararapat.


Bago matapos ang misa kanyang pinasalamatan ang lahat ng mga kamanggagawa sa ating Simbahan, mga naglilingkod sa parokya, komunidad, mga gumanap na anghel at kanilang magulang na nakilahok mula sa prusisyon hanggang sa pagtatapos ng misa.


Article by: Athea Baranda

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


HOLY FAMILY PARISH

233 CM Recto Street, Brgy. Parang,
Marikina City, Philippines, 1809

Follow us on

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • Threads
  • Youtube

CHURCH HOURS

| Sunday 5:00AM - 7:00PM

|Tuesday to Saturday 6:00AM - 5:00PM

PARISH OFFICE HOURS

| Tuesday to Sunday 9:00AM - 5:00PM

TELEPHONE NUMBER

| 8941-75-31

POWERED BY | Estrella Communications

FOR DONATION

| Metrobank Parang, Marikina

  RCABAN Holy Family Parish Fund

  382-7-382007669

| GCash: Scan the QR Code

Untitled design (1).png
bottom of page