Panginoong Hesus, hinirang mo ang mga pari mula sa aming bayan at sila'y iyong sinugo upang ipahayag ang iyong salita at gumanap sa iyong ngalan. Para sa dakilang biyayang ito para sa iyong sumbahan, pinupuri ka namin at pinasasalamatan.
Hinihiling naming punan mo sila ng alab ng iyong pag-ibig, upang maihayag ang iyong presensya sa simbahan sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod. Dahil sila ay mga sisidlang lupa lamang, ipinapanalangin naming dumaloy ang iyong kapangyarihan sa gitna ng kanilang kahinaan.
Sa kanilang kapighatian, huwag mo silang hayaang malupig; sa kanilang pagdududa, huwag mo sila hayaang panghinaan ng loob; sa gitna ng tukso, huwag mo silang hayaang panghinaan ng loob; pukawin mo sa kanila sa pamamagitan ng panalangin na isabuhay araw-araw ang hiwaga ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay. Sa oras ng kahinaan, ipadala mo ang iyong espiritu at tulungan silang purihin ang iyong makalangit na Ama at ipanalangin ang mga makasalanan.
Sa pamamagitan ng espiritu mo, ilagay mo ang iyong salita sa kanilang mga bibig at iyong pag-ibig sa kanilang mga puso upang maihatid nila ang mabuting balita sa mga mahihirap at bigyang buhay ang mga nabigo. Bilang wakas, nawa ang biyaya ni Maria, ang iyong Ina sa alagad ng iyong pinakamamahal ay maging iyong biyaya rin sa mga pari. Ipagkaloob mo na sa pamamagitan niya, siyang humubog sa iyo sa kanilang sinapupunan ay hubugin ang mga pari ayon sa iyong banal na larawan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu sa ikakadalika ng Diyos Ama, Amen.
O Maria, ipinaglihinh walang bahid ng kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo.
Comments