Miyerkules Santo: Paggunita at Pananampalataya
- Estrella SOCOM
- 1 day ago
- 1 min read
Updated: 4 hours ago

Abril 17, 2025— Ginunita natin ang taunang Miyerkules Santo o tinatawag din na ‘Spy Wednesday’ sa Ingles.
Sa araw na ito, inaalala natin ang pagkakanulo ng isa sa labing-dalawang apostol na si Hudas Iscariote kay Hesus kapalit ng tatlumpung pirasong pilak. Ang kanyang ‘pag-eespiya’ kay Hesus ang isa sa mga senyales ng nalalapit na pagsasakrispiyo niya bilang tanda ng walang sukat na pagmamahal niya sa atin.
Sa Parokya ng Banal na Mag-Anak, mayroong ginaganap na prusisyon ng mga imahen ng kuwaresma tuwing Miyerkules Santo. Ngayong taon, 21 imahen at tagpo ang nakilahok na nagsimula sa ika-anim ng gabi at umabot ng dalawang oras.
Bago opisyal na magtapos ang prusisyon, lubos na pinasalamatan ng ating Kura Paroko Rev. Fr. Fernando A. Cornejo ang Konseho Pastoral ng Parokya, mga Camarero, Marshalls, at lahat ng lumahok sa taunang Prusisyon.
Article by: Athea Baranda
留言