top of page
Homepage (1).png
atheashimitori19

Miyerkules ng Pag-eespiya




Marso 28, 2024 — Ipinagdiwang natin ang

Miyerkules Santo kilala rin bilang ‘Spy Wednesday’ o ‘Miyerkules ng Pag-eespiya’. 


Sa araw na ito ay ipinagkanulo ni Hudas Iscariote si Hesus sa mga punong saserdote kapalit ng tatlumpung pilak. Ang pangyayaring pagtataksil ni Hudas Iscariote ay ang hudyat ng nalalapit na pagpapakasakit ni Hesus para sa ating pagkakatubos. 


Tuwing Miyerkules Santo sa Parokya ng Banal na Mag-Anak, ginaganap ang prusisyon ng mga imahen ng Kuwaresma. Ngayong taon, mayroong 24 na imahen ang sumama sa prusisyon kabilang ang mga eksena, mga apostol, at ilang mahalagang tauhan.


Dahil sa panaka-nakang pag-ulan ay nagsimula ang Panalangin sa Pagtatakipsilim sa ganap na ika-5 ng hapon, ang Prusisyon ng mga imahen sa ganap na ika-6 ng gabi, at nakabalik muli sa simbahan sa ganap na ika-8 at kalahati ng gabi. 


Sa pagtatapos ng prusisyon, taos-pusong nagpasalamat ang ating kura paroko na si Rev. Fr. Fernando A. Cornejo sa lahat ng taong nakiisa at hangad niya ligtas na pag-uwi ng lahat.


54 views0 comments

コメント


bottom of page