top of page
Homepage (1).png
atheashimitori19

Maging Kristo tayo sa mga nangungulila


Marso 29, 2024 — Ipinagdiwang natin ang Biyernes Santo o ang Pagpapakasakit ng Panginoon. Ipinako sa Krus si Hesus bilang tanda ng kanyang wagas na pagmamahal sa atin. Kaya bilang pakikiisa sa araw na ito, tayo’y inanyayahang magnilay, mag-penitensya, at mag-ayuno.


Sa ika-anim ng umaga ay ginanap ang Daan ng Krus at sa ika-labindalawa naman ng tanghali ay ginanap ang Siete Palabras. Ang mga nagbahagi ngayong taon ay sina Noemei Chavez, John Emmanuel Canatoy, Isabel Peguit, Clarisse Carlos, Roseann Dueñas, Ofie Cruz, at Duane Valera.


At sa ganap naman na ika-tatlo ng hapon ay ang pagpapatuloy ng ikalawang bahagi ng Banal na Triduo. Ang hudyat ng pagpapatuloy ng Banal na Misa ay ang pagpapatirapa sa harap ng altar ng ating kura paroko na si Reverendo Padre Fernando A. Cornejo.


“Kailan kayo nakaranas ng kalungkutan at pangungulila?”


Iyan ang panimulang tanong ni Fr. Fhyrdz sa kanyang homilya. Sinariwa niya ang pangungulila at paminsan-minsan, tayo na rin ang maghanap nito. Maging katulad nawa tayo ni Hesus na maging kasangkapan ng buhay, pag-asa, kapayapaan, at kagalakan sa iba.


Ibinahagi niya rin ang dalawang dahilan kung bakit minsan ay humihiwalay ang Panginoon sa mga tao:


Una, dahil gusto niya talaga maranasan ang pag-iisa o pangungulila.


Kinukundisyon niya ang kanyang sarili sa pangungulila upang sa pagdating ng araw na ililigtas niya tayo ay alam niya na ang pakiramdam nito — ang gutom, uhaw, kahirapan, takot, at sakit.


Ikalawa, dahil gusto niyang hanapin at makatagpo ng mga taong nangungulila.


Nais niyang makasalamuha lalung-lalo na ang mga taong kadalasan ay iniiwasan, tinataboy, walang sumusuporta, at walang sasandigan. Sapagkat ito ang kanyang hangarin kung bakit niya sinasanay ang kanyang sarili sa pangungulila.


Sa pagtatapos niya ng kanyang homilya, siya ay nag-iwan ng katagang, “Hesus, hari ng mga nangungulila at nag-iisa, maawa ka sa amin.”


Matapos ang homilya ay sinundan ito ng Pagpaparangal sa Krus na Banal at pagtanggap ng Banal na Eukaristiya.


Nagsimula ang prusisyon ng Santo Entierro sa ika-anim ng gabi na dinaluhan ng 31 imahen ng mga eksena, mga apostol, at ilang mahahalagang tauhan.


Pagkabalik ng prusisyon sa ganap na ika-siyam ng gabi ay nagsimula sa pagpapahalik sa Santo Entierro at sinundan ng Rito ng Paglilibing

41 views0 comments

Comments


bottom of page