Kailan ka huling nangumpisal? Humingi ka na ba ng kapatawaran sa mga nagawa mong kasalanan? Kung hindi pa, hindi pa huli ang lahat upang ikaw ay mangumpisal.
Isa sa mga banal na Sakramento ang Pangungumpisal, ito ay ang pag-amin, pagtatapat, at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawa nating kasalanan sa Diyos. Ang Kumpisal ay itinatag ni Hesus bilang daanan ng biyaya ng kapatawaran at nagpapatatag sa ating lahat na lumayo sa tukso at tumanggi sa pagkakasala.
Bakit nga ba sa pari tayo nangungumpisal amantalang sa Diyos tayo nagkasala? Imbis na humingi tayo ng kapatawaran sa bawat taong nagawan natin ng kasalanan, ang pari ang nagmimistulang “nakikitang” tagapagkasundo sa pagitan ng iyong sarili, ng Diyos, at mga taong nagawan mo ng kasalanan mo. Lubos na mahalagang malaman natin kung pinatawad tayo ng Diyos o hindi.
Kailangan nating isaisip na dapat tayong mangumpisal hindi lang dahil dapat natin itong gawin, bagkus ito ay gawain na gusto nating gawin. Ugaliing ituring itong pagpapala sa halip na pasanin sapagkat ito ay isang hakbang upang mas lalo tayo mapalapit sa kanya.
SANGGUNIAN:
Article By: Athea Baranda
Comments