Noong ika-pito ng Abril ginunita natin ang Biyernes Santo o pagkakapako sa Krus ni Hesukristo. Ang araw na ito ay ipinagdiriwang bilang araw ng kalungkutan, penitensya, at pag-aayuno.
Sa ganap na ika-anim at kalahati ng umaga nagkaroon ng Daan ng Krus at sa ika-labindalawa ng tanghali ay ang Siete Palabras. Ang mga nagbahagi sa SIete Palabras ay sina Evelyn Diazen, Melanie Villaraza, Isidora Tango, Arianne Mayores, Mary Rose Gallardo, Art Hidalgo, at Cris Cabasal.
At sa ika-tatlo ng hapon ay ang pagpapatuloy ng misa kahapon. Ang pagpapatirapa sa harap ng altar ni Rep. Pd. Ferdinand Delatado ang indikasyon na ang banal na misa ay nagsimula na.
“Ang kamatayan ay bahagi ng buhay, isang biyaya, ata maraming aral na pwedeng matuklasan.”
Sa kanyang homilya, ipinaalala niya na tanggapin nating lahat na balang araw ay mamamatay tayo, na ito ay bahagi na ng ating buhay. Huwag din natin sayangin ang ating buhay, piliin mong maging masaya, at gawing makabuluhan ang iyong buhay. Sapagkat ang bawat isa sa atin ay mayroong layunin upang manatili sa mundong ito, kailangan mong tuklasin ang iyong misyon.
Pagkatapos ng homilya ay nagsimula na ang Pagpaparangal sa Krus na Banal at dahil mayroon pa ring Coronavirus yuyuko lamang ang mga tao bilang pagtanda at pagpupugay sa Krus.
Kasunod nito ay ang pagsisimula ng Prusisyon ng Santo Entierro sa mga kalapit na lugar at nagtapos sa rito ng paglilibing ng ating Panginoong Hesukristo.
Article By: Athea Baranda
Comments